Sunday, July 25, 2010

Mga obserbasyon at panawagan ni Juan de la Cruz sa mga kapwa-mamamayan








Mahal kong mga Kababayan,

Ako po si Juan de la Cruz, ang sumasagisag sa nakararaming mamamayang Pilipino na mayroong mga anak na mag-aaral na biktima ng abuso, pananamantala at kapabayan ng mga tiwaling guro at opisyal ng mga pampublikong paaralan (public schools) - sila na mga tulisan sa makabagong panahon ng ating bansa.

Kabilang po sa ginagawa ng mga tiwaleng guro at mga opisyal ng mga pampublikong paaralan ngayon ay ang mga sumusunod:

· Pangingikil o sapilitang paniningil ng pera (bilang multa) mula sa mga batang mag-aaral na umano'y lumabag sa mga alituntunin ng classroom na pinaiiral ng guro. Ang multa ay maaring halagang piso, limang piso o mahigit pa. Kabilang sa mga pinagmumulta ng guro ay yaong mga mag-aaral na pumapasok nang hindi naka uniporme; yaong mga umano ay lumalagpas sa oras o na-late ng pasok sa eskwela.

· Pangingikil sa mga bata ng halagang piso, limang piso o mahigit pa'ng halaga araw-araw na umano ay iipunin at gagamitin sa darating na Christmas party o kaya’y gagamitin umano sa pamimili ng mga pangangailan ng silid-aralan, etc.

Laganap po sa mga public schools ngayon ang 'multahan' na tulad ng nailarawan sa itaas bagamat mayroon mangilan-ilang matutuwid na guro ang hindi nagpapatupad nito sa kani-kanilang classrooms.

Sa katotohanan po, walang batas na nagbigay pahintulot sa mga guro at opisyal ng paaralan na magpairal ng ganitong uri ng mga singilin o multa na nagiging dahilan kaya’t maraming batang mag-aaral ang nagrereklamong nakakaranas ng gutom sa loob ng eskwela dahil ang perang ibinibigay sa kanila ng mga magulang na pambili ng pagkain ay kinukupitan ng mga guro at naisasakatuparan ng mga nasabing guro ang masamang sistemang ito sa pamamaraang pino o hindi garapal : mayroon silang pupils na inatasang maging 'taga-sumbong' o 'taga-turo' ng kung sino-sino sa mga kaklase ang nagsilabag at inililista ang mga pangalan nito (na nagdudulot na rin ng mga alitan sa mga magkakaklase) upang singilin maya-maya o kaya kinabukasan (may nakahanda na ring listahan ng mga kaklaseng hindi pa nakakabayad kaya't may utang!), at mayroong inaatasan bilang 'tagasingil', - ang mga batang ito na s'yang pinagkakatiwalaan ng guro, sa murang edad at kawalang-muwang nila'y natututo na'ng maging 'corrupt'. At napakahusay ng modus operandi ng mga tiwaling guro: bata ang pinakukoletka ng kupit, bata ang pinahahawak ng kupit kaya't sa biglang tingin ay masasabing wala s'yang masamang hangarin sa pera katunayan ay wala ito sa kamay nya. Totoo nga naman, ano po? Kung ganoon, nasa kanino ang responsibilidad sa halagang naiipon? Papano ang sistema ng pag-audit? Papano ang sistema ng pag-gawa ng financial statement? Sa deretsahang usapan, hindi ba napakalaki at kahiya-hiyang imoralidad itong nagaganap na ito sa loob ng ating mga pampubliko'ng paaralan?

Maliban po sa mga nabanggit sa itaas, mayroon din pong pangingikil ang mga tiwaling guro at ito'y sa pamamagitan ng tahasang pag-utos sa bawat isa'ng mag-aaral na magdala ng walis, o kaya floor wax at kung ano-ano pa. Ang malungkot, kung ilang bata mayroon sa loob ng isang silid-aralan ay ganun din kadami ang madadalang walis na kung tutuusin, mga ilang pirasong walis lamang sana'y sapat na subalit bakit lahat sila'y pinagdadala sa halip na mag kontribusyon na lamang para sa iilang walis na kinakailangan. Dahil sa obserbasyong ito, nagdududa ang mga magulang sa posibilidad na ang sobrang walis o floor wax na isinumiti ng mga mag-aaral (na saglit lamang ay naglalaho na sa paningin ng mga mag-aaral) ay, sa ibang panahong hindi alam ng mga mag-aaral at magulang - ibinebenta pala.

Mayroon pa ding guro na simula pa lamang ng pasukan ay inuutusan na ang mga mag-aaral na magsumiti ng sari-saring mga gamit tulad ng bond paper, Manila paper, scotch tape, ruler, chalk, cartolinas, etc., bilang ' advance na paghahanda' umano para sa mga gagawing 'classroom projects' na pagkaraang naisumiti ng mga mag-aaral ay itatago ang mga ito sa isang cabinet ngunit, lilipas ang araw, linggo, buwan at hanggang matapos ang taon - HINDI GAGAMITIN ang naturang mga gamit at napapansin mismo ng mga mag-aaral ang unti-unting paglaho ng mga nasabing gamit mula sa pinagtaguan ng mga ito. Nagdududa ang maraming magulang na ang nasabing mga gamit - sa mga panahong walang tao - ay ipupuslit palabas ng eskwela at ibibenta pala kundi man sa kung kaninong tindahan ay sa sariling tindahan nito!

Sadyang kinakailangan na talagang magdeklara ang gobyerno ng pag-babawal sa lahat ng uri ng pagmumulta ng pera o pagsusumiti ng anumang bagay sa loob ng eskwelahan; ipagbawal na rin sa mga magulang ang pagsang-ayon sa nasabing mga pagmumulta na ang tanging hangarin ng nasabing mga magulang ay ang 'bumango' sa paningin ng guro at makatanggap ng mataas na grado ang anak nito.

Kung gagawin ng gobyerno o hindi ang nasabing pagbabawal ay hindi natin alam ngunit hindi na rin natin dapat iasa ng lubus sa gobyerno ang pagsagawa ng mga kinakailang hakbangtayo na mismo na mga magulang ang dapat kumilos upang mapangalagaan ang mga pag-aari ng ating mga anak, kabilang na ang mga kagamitan at perang binibigay natin sa kanila.

Ang isa pa pala'ng karumal-dumal na gawain sa loob ng mga pampublikong paaralan ng Pilipinas ngayon ay itong malaganap na bentahan ng aklat.

Ipinagmamayabang natin sa buong daigdig na ang ating edukasyon ay libri o walang bayad. Subalit ano ito'ng malawak na bentahan ng aklat sa mga pampublikong paaralan? Ang modus operandi po ay ganito: kung minsan, tahasang sinasabi ng mga guro sa mga magulang na sinabi umano ng Principal na kinakailangan nilang bumili ng ganito o ganoong mga aklat para sa kanilang mga anak dahil umano kulang na kulang ang dumarating na mga aklat mula sa DepEd; kesyo sira-sira na o kaya ay nabasa ang mga ito ng tubig ulan o kaya ng tubig baha; kesyo ang ibinebentang mga aklat (workbooks) ay maganda, advanced; kesyo kinakailangan ito ng mga nasa section na FL o fast-learner; kesyo ang binebentang mga aklat ay sa presyong 'mas mababa' kesa sa presyo sa 'mismong bookstore' na pinanggalingan nito - sadyang napahusay na po ng mga ginagawang paliwanag ng mga guro na tila, maliban sa pagiging guro, sila'y naging mga 'salesmen o saleswomen' o ahente na rin ng mga aklat.

Kung tutuusin po, ang mga guro ay pinag-babawalan na maging ahente ng anumang uri ng negosyo na may kinalalaman sa libro maliban na lamang kung 1) ginagawa nya ito bilang opisyal na tungkuling iniatang sa kanya, kung 2) ang kanyang pag-ganap sa nasabing tungkulin ay naaayun sa mga itinakdang alituntunin, at, 3) kung may kasangkot din na cooperative ayon sa nakasaad sa ‘CODE OF ETHICS FOR PROFESSIONAL TEACHERS’
http://eduphil.org/forum/code-of-ethics-for-teachers-in-the-philippines-t-449.html

Sa nasabing Code ay mayroong bahagi na nagsasabi ng ganito:

Article X: The Teacher and Business

Section 1. A teacher has the right to engage, directly or indirectly, in legitimate income generation; provided that it does not relate to or adversely affect his work as a teacher.
Section 2. A teacher shall maintain a good reputation with respect to the financial matters such as in the settlement of his debts and loans in arranging satisfactorily his private financial affairs.
Section 3. No teacher shall act, directly or indirectly, as agent of, or be financially interested in, any commercial venture which furnish textbooks and other school commodities in the purchase and disposal of which he can exercise official influence, except only when his assignment is inherently, related to such purchase and disposal; provided they shall be in accordance with the existing regulations; provided, further, that members of duly recognized teachers cooperatives may participate in the distribution and sale of such commodities

Article XII: Disciplinary Actions

Section 1. Any violation of any provision of this code shall be sufficient ground for the imposition against the erring teacher of the disciplinary action consisting of revocation of his Certification of Registration and License as a Professional Teacher, suspension from the practice of teaching profession, or reprimand or cancellation of his temporary/special permit under causes specified in Sec. 23, Article III or R.A. No. 7836, and under Rule 31, Article VIII, of the Rules and Regulations Implementing R.A. 7836.
Ang mga aklat po na ipinagbibili ng mga tiwaling guro at opisyal ng eskwelahan ay kadalasan nang hindi awtorisado o hindi kabilang sa mga tinaguriang, “LIST OF APPROVED READING AND REFERENCE MATERIALS” (go to the yahoo search, type deped, when the website appears, go to search, type supplementary, then click to see contents.


http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/DO%20No.%20119,%20s.%202009.pdf

Sa madaling salita, mayroon pong mga umiiral na regulasyon o alituntunin na maari nating gamitin upang labanan ang mga tiwaling guro at mga opisyal ng eskwelahan nang sa ganoon ay mapatalsik na sa pwesto ang mga ito; tiyak po na walang sinumang guro o opisyal ng eskwelahan ang hindi natatakot maimbistigahan o mapanagot ng kasong administratibo, katunayan lahat po sila ay ito ang kinatatakutan. Sadyang kinakailangan na ang pagtatatag sa bawat eskwelahang pampubliko ng samahan ng mga magulang na syang magbabantay at pipigil sa anumang gagawing abuso ng mga tiwaling guro at opisyal ng mga pampubliko'ng paaralan.

Marami tayong maisip na uri ng asosasyon na maaring itatag para sa pakay na ito at ang isang halimbawa ay ang makikita sa ibabang bahagi ng pahinang ito.

Hanggang dito na lamang po, sana'y magiging matagumpay tayong matanggal na sa pwesto ang mga tiwaling guro at opisyales ng mga paaralan nating pampubliko.


Sumasainyo,


JUAN DE LA CRUZ

Ang nasa ibaba ay isa lamang rekomendadong format ng organisasyon na maaring itatag ng mga magulang.

GUARDIANS OF THE RIGHTS OF SCHOOLCHILDREN AND PARENTS
AGAINST ABUSE, DISCRIMINATION, EXPLOITATION AND NEGLECT
(GRIGHTSSCPAADEN)
(Region _Chapter)

DECLARATION OF SUPPORT
TO THE GOVERNMENT’S PROGRAMS ON EDUCATION
&
QUEST FOR FULL GOVERNMENT PROTECTION
TO THE RIGHTS OF SCHOOLCHILDREN AND PARENTS



WE, PARENTS WITH CHILDREN STUDYING AT THE__________________________________________________, HEREBY EXPRESS OUR FULL SUPPORT TO THE GOVERNMENT’S LEGITIMATE PROGRAMS ON EDUCATION AND IN TURN WE HOPE THAT THE GOVERNMENT GRANT FULL PROTECTION TO THE RIGHTS OF OUR SCHOOLCHILDREN AND TO OUR RIGHTS AS PARENTS AGAINST ALL FORMS OF SCHOOL CAMPUS ABUSES, DISCRIMINATION, EXPLOITATION AND OR NEGLECT AND OR ACTS DEEMED UNETHICAL AND OR ACTS PERFORMED WITHOUT LEGAL BASIS OR PROPER AUTHORIZATION FROM THE DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED) AND OR ACTS NOT SUPPORTED BY ANY LEGAL PROVISION OR ACTS VIOLATING THE LAWS OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND OR CONTRARY TO THE STANDARD OPERATING PROCEDURES, RULINGS AND POLICIES OF ANY GOVERNMENT OFFICE AND OR INSTITUTION, OR ANY FORM OF ACT OF OMISSION OR COMMISSION AND OR ACTS WITHOUT THE WRITTEN APPROVAL OF THE MAJORITY OF THE MEMBERS OF THE GENERAL ASSEMBLY OF GPTCA AND OR ACTS CONTRARY TO THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT 7610 AND OTHER PERTINENT LAWS OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.
1.NAME OF PARENTS:____________________ADDRESS:______________________

Sa ilalim ay mababasa natin ang ilang mga katanungan at mga sagot na inihanda sa wikang English:

Questions and Answers on filing of complaints

1) Where can we read about the human rights of children?
ANSWER: Read RA 7610 (please see 'child abuse' Section 3 paragraph 2 sub-paragraph 3)
http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra1992/ra_7610_1992.html

2) Where can we file administrative complaint against a teacher or school official and what are the procedures?
ANSWER: Office of the Ombudsman

3) In filing administrative complaint, which is better, the letter format or the Affidavit of Complaint format?
ANSWER: The affidavit of complaint format being a notarized document is better than the letter format because the Ombudsman can, in its own judgment, initiate the filing of a case against the accused without need to first refer the complaint to DepEd while the letter format being addressed to the Ombudsman obliges the said agency to first refer the letter of complaint to the DepEd and wait for the result of its investigation then evaluate to see whether the findings of DepEd is agreeable or not to the Ombudsman.

4) What can the Office of the Ombudsman do against the accused if after investigation he is found guilty?
ANSWER: Warn the accused; suspend the accused; demote the accused or terminate the accused from civil service and forfeit all his/her benefits, and, at the same time ban him/her for life from working in the government again.

5) What are the effects of the complaint filed against the accused?
ANSWER: while the case is in progress or the investigation is ongoing, the accused cannot be issued Ombudsman clearance to be transferred to another place of assignment; he or she cannot get Ombudsman clearance needed to apply for a loan, and, he or she cannot get Ombudsman clearance for retirement – until the case is finished and he is found not guilty.

6) What is the effect of Preventive Suspension on the regular salary of the teacher, school official or employee?
ANSWER: While under preventive suspension he\she cannot receive his\her salary,

7) Where can we find the list of do’s and don’ts for teachers, school employees and officials?
http://eduphil.org/forum/code-of-ethics-for-teachers-in-the-philippines-t-449.html

8) Where can we find the list of do’s and don’ts for public officials and employees?
http://www.csc.gov.ph/cscweb/RA6713.html

Anti-graft and Corrupt Practices Act
http://www.ombudsman.gov.ph/docs/issuances/Republic_Act_No_3019.pdf

9) Can we see samples of cases of school officials and employees being punished by the Ombudsman?
ANSWER: Yes, and you can read a few samples published in the internet through the websites listed below:
Court of Appeals upholds firing of school principal
(The Freeman) Updated April 2, 2009 12:00 AM
PhilStar.com
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=454468&publicationSubCategoryId=107

SC upholds Ombudsman, COA rung on dismissal of ex-school principal
The News Today.
July 29, 2009 Iloilo City, Philippines ... judgment on a graft
http://www.thenewstoday.info/2009/07/29/sc.upholds.ombudsman.html

SC upholds Ombudsman, COA ruling on dismissal of ex-school principal PHILIPPINE SUPREME COURT - CHAN ROBLES VIRTUAL LAW LIBRARY
Respondent Jovencio D. Villar is the School Principal. The Court affirmed the dismissal from service.
http://www.chanrobles.com/cralawgrno156063november182003.html
Mabini principal ordered dismissed
Thursday, August 07, 2003
10) Are there other ways of complaining?
ANSWER: Yes. If you don’t feel like making affidavit of complaint and choose to just prepare a letter type complaint, you may do so, for the result does not always necessarily mean ‘white-wash’ in favor of the one being accused, because there are times when the superiors of those being accused are persons of principles, who, upon feeling convinced that there is probability of truth in the accusation, such superiors are the ones who take the initiative of conducting an honest-to-goodness investigation and, after establishing guilt beyond reasonable doubt, enforces disciplinary actions. An aggrieved party can therefore, use this method of complaining, and, to make it more effective if the purpose of the complaint is to make it more eloquent and popular enough to ignore or subject to a white-wash, file the complaint addressed to the highest official of the accused’s mother unit, and, at the same time, furnishing copy of the complaint to certain government offices, thus, giving the impression to the mother unit of the accused that many have already become aware about the complaint, hence, any thought of making cover-up or doing white-wash on the case is not an easy task, therefore, there is great likelihood that the mother unit would also decide to just detach itself (to play safe) from the accused and suggest to the latter to ‘just face the music’ or face the consequence of his/her actions. In the case of teachers and school officials for example, a complaint addressed to DepEd may be reproduced into several copies one with copy furnished the following agencies:

· Commissioner of Civil Service

· Commissioner of Human Rights
http://www.chr.gov.ph/

· Commission on Audit (and Bureau of Internal Revenue as the case may be)

· Secretary of Justice
http://www.doj.gov.ph/index.php?id1=1
· Office of the President
With copies of the complaint being distributed to various government agencies each of which might react by conducting its own investigation among other things, then he/she, as may be deemed appropriate, be placed under preventive suspension during which he/she receives no salary and the decision on the case might drag for years only to announce one day that he/she (the respondent) has been terminated from the service, his/her professional license revoked and all of his/her benefits forfeited in addition to disqualification to work again in the government.